Sa Aking Mga KabataKapagka ang baya'y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian, At ang isang tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin Sa Ingles, Kastila at salitang anghel, Sapagka't ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin. Ang salita nati'y huwad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una. ![]() KundimanTunay ngayong umid yaring dila't puso Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo, Bayan palibhasa'y lupig at sumuko Sa kapabayaan ng nagturong puno. Datapuwa't muling sisikat ang araw, Pilit maliligtas ang inaping bayan, Magbabalik mandin at muling iiral Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan. Ibubuhos namin ang dugo't babaha Matubos nga lamang ang sa amang lupa Habang di ninilang panahong tadhana, Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.
Pinatutula AkoIyong hinihiling, lira ay tugtugin bagaman sira na't laon nang naumid ayaw nang tumipa ang nagtampong bagting pati aking Musa ay nagtago narin. malungkot na nota ang nasnaw na himigNagkapanahon nga ... kaipala'y, tunay ang mga araw na matuling nagdaan nang ako sa akong Musa'y napamahal lagi na sa akin, ngiti'y nakalaan. ngunit marami nang lumipas na arawKatulad ko'y binhing binunot na tanim sa nilagakan kong Silangang lupain pawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw manirahan doo'y sayang walang maliw. ang bayan kong ito, na lubhang marikitNang ako'y musmos pa'y aking natutuhang masayang batiin ang sikat ng araw habang sa diwa ko'y waring naglalatang silakbo ng isang kumukulong bulkan. laon nang makata, kaya't ako nama'y ![]() Sa Kabataang PilipinoItaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap! ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas! Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan magitang na diwang puno sa isipan mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay at dalhin mo roon sa kaitaasan. Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw na mga silahis ng agham at sining mga Kabataan, hayo na't lagutin ang gapos ng iyong diwa at damdamin. Masdan ang putong na lubhang makinang sa gitna ng dilim ay matitigan maalam na kamay, may dakilang alay sa nagdurusa mong bayang minamahal. Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais kagyat na lumipad sa tuktok ng langit paghanapin mo ang malambing na tinig doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap. Ikaw na ang himig ay lalong mairog Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot at mabisang lunas sa dusa't himuntok ng puso at diwang sakbibi ng lungkot Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan matigas na bato'y mabibigyang-buhay mapagbabago mo alaalang taglay sa iyo'y nagiging walang kamatayan. Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles sa wika inamo ni Pebong kay rikit sa isang kaputol na lonang maliit ginuhit ang ganda at kulay ng langit. Humayo ka ngayon, papagningasin mo ang alab ng iyong isip at talino maganda mong ngala'y ikalat sa mundo at ipagsigawan ang dangal ng tao. Araw na dakila ng ligaya't galak magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas purihin ang bayang sa iyo'y lumingap at siyang nag-akay sa mabuting palad.
Sa Mahal na Birhen MariaIkaw na ligaya ng tanang kinapal, Mariang sakdal tamis na kapayapan, Bukal ng saklolong hindi naghuhumpay, Daloy ng biyayang walang pagkasyahan. Mula sa trono mong langit na mataas, Ako'y marapating lawitan ng habag, Ilukob ang iyong balabal ng lingap Sa daing ng aking tinig na may pakpak. Ikaw na Ina ko, Maraing matimtiman; Ikaw ang buhay ko at aking sandingan; Sa maalong dagat, ikaw ang patnubay: Sa oras ng lalong masisidhing tukso, At kung malapit na ang kamatayan ko, Lumbay ko'y pawiin, saklolohan ako!
Isang Alaala Ng Aking BayanNagugunita ko ang nagdaang araw ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw sa gilid ng isang baybaying luntian ng rumaragasang agos ng dagatan; Kung alalahanin ang damping marahan halik sa noo ko ng hanging magaslaw ito'y naglalagos sa 'king katauhan lalong sumisigla't nagbabagong buhay Kung aking masdan ang liryong busilak animo'y nagduruyan sa hanging marahas habang sa buhangin dito'y nakalatag ang lubhang maalon, mapusok na dagat Kung aking samyuin sa mga bulaklak kabanguhan nito ay ikinakalat ang bukang liwayway na nanganganinag masayang bumabati, may ngiti sa lahat. Naalaala kong may kasamang lumbay ang kamusmusan ko nang nagdaang araw Kasama-sama ko'y inang mapagmahal siyang nagpapaganda sa aba kong buhay. Naalaala kong lubhang mapanglaw bayan kong Kalambang aking sinilangan sa dalampasigan ng dagat-dagatan sadlakan ng aking saya't kaaliwan Di miminsang tumikim ng galak sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag Mababakas pa rin yaong mga yapak na nag-uunahan sa 'yong mga gubat sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat ang mga dasal ko'y laging nag-aalab habang ako nama'y maligayang ganap bisa ng hanging mo ay walang katulad. Ang kagubatan mong kahanga-hanga Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha sa iyong himlayan ay wala nang luha wala nang daranas ni munting balisa ang bughaw mong langit na tinitingala dala ang pag-ibig sa puso at diwa buong kalikasa'y titik na mistula aking nasisinag pangarap kong tuwa. Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw dito'y masagana ang saya ko't aliw ng naggagandahang tugtog at awitin siyang nagtataboy ng luha't hilahil Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin ang katauhan ko'y dagling pagsamahin tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin sa pananagana ng bukong nagbitin. Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat ako'y magbabantay, walang paghuhumpay ang kabutihan mo na sa aking pangarap Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap ng dakilang Diwa ng maamong palad; tanging ikaw lamang panatang maalab pagdarasal kita sa lahat ng oras na ikaw ay laging manatiling tapat.
Ang Awit ni Maria ClaraWalang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang. Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man. Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa, Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na, Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya. Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal.
|
If you have any Rizal related info or poems of his that I don't have or a translation of his poems in another language, e-mail them to: JRcomments@aol.com.