Ang Ligpit Kong TahananSa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin, Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin, Ang munti kong kubo'y doon itinirik, sa saganang lilim Ng mga halamang nakikipaglaro sa ihip ng hangin. Aking dinudulang sa katabing gubat na masalimisim Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin. Ang atip ng bubong ay hamak na pawid, sahig ay kawayan, Magaspang na kahoy ang mga haligi, pingga at tahilan, Sa kubo kong ito ay walang bahangin may kahalagahan, Lalong mabuti pa ang doon humilig sa lunting damuhan Na abot ng bulong at awit ng dagat sa dalampasigan. Doon ay may batis na umaawit pa habang naglalagos Sa mga batuhan, magmula sa gubat sa may dakong likod; Batis ay nagsanga sa tulong ng isang magaspang na tungkod, kung gabing tahimik ay may bulong siyang nakapag-aantok, At kung araw naman, ang langit ay parang ibig na maabot. Kung ang kalangita'y payapang-payapa, agos ay banayad, Panay ang taginting ng kanyang gitarang hindi namamalas, Pagbagsak ng ulan, ang tulin ng agos ay walang katulad, Humahagunot pa sa nangaghambalang na batong malapad, Sa di mapipigil na kanyang pagtakbong patungo sa dagat. Palahaw ng aso at awit ng ibon, at sigaw ng kalaw, Ang ingay na tanging siyang bumabasag sa katahimikan; Doo'y di kilala ang tinig ng taong palalo't mayabang Na susunu-sunod sa nasang guluhin ang aking isipan; Ako'y naliligid ng katabing dagat at ng gubat lamang. Ang dagat, ah, ito ay siya ngang lahat kung para sa akin, Kung dumadaluhong mula sa di tanaw na mga pampangin, Sa akin, ang kanyang ngiti kung pananalig ko'y parang nagmamaliw, At kung dapit-hapong ang pananalig ko'y parang nagmamaliw, Siya ay may bulong na inihahatid sa akin ng hangin. Pagdating ng gabi, dakilang palabas ng kahiwagaan, Malaking liwanag ng mumunting kislap na hindi mabilang Ang doon sa langit ay nakalaganap sa kaitaasan; Habang dinadalit niyong mga alon ang saklap ng buhay, Dalit na malabo pagka't nilulunod ang sariling ingay. Isinasalaysay ang ayos ng mundo nang unang sumikat Ang araw sa langit, at sila'y laruin ng kanyang liwanag; Nang mula sa wala'y dami ng kinapal ang biglang kumalat Sa kailaliman, at sa kapatagan, magpahanggang gubat, Sa lahat ng dako na abot ng halik ng mayamang sinag. Nguni't kung sa gabi'y magising ang hanging malikot, mailap, At ang mga alon, sa galit na dala'y susugod, lulundag, Mayrong mga siagaw na sa aking puso'y nagbibigay-sindak , Mga tinig waring nagsisipagdasal, o nag sisiiyak, Nagsisipanaghoy sa kailalimang kadilima'y ganap. At saka uugong ang marahang taghoy na mula sa bundok, Mga punungkahoy at ang mga damo'y nagsisipangatog, Pati mga pastol ay nababalisa't pawang mga takot, Sapagka't, anila, ang mga kalulwa'y noon sumisipot At nag-aanyayang sa kanilang handa sila ay dumulog. Gabi'y bumubulong sa gitna ng sindak at pagkaligalig, At sa dagat nama'y bughaw't lunting apoy ang pasilip-silip; Pag ngiti ng araw'y payapa na naman ang buong paligid, At mula sa laot, yaong mangingisda ay napagigilid, Sugod na ang lunday at ang mga alon ay nananahimik. Ganyan ang buhay ko sa aking payapa't ligpit na tahanan; Sa mundong nang dati ay kilala ako, ako'y pinapanaw, Nasapit kong palad, sa ngayon ay aking binubulay-bulay; Isang bato akong binalot ng lumot upanding matakpan Sa mata ng mundo ang mga damdaming sa puso ay taglay. Dahil sa naiwang mga minamahal, ako'y nangangamba, Mga ngalan nila'y di ko nalilimot sa laot ng sigwa; May nangagsilayo at mayroon namang nangagsipanaw na; Nguni't sa lumipas kong hindi mapapaknit kahit agawin pa. Kaibigan iyang sa lahat ng oras ay aking kapiling Sa gitna ng lumbay ay nagpapasigla sa diwa't damdamin; Sa gabing tahimik, siya'y nagtatanod at nananalangin, Kasama-sama ko sa pagkakatapong malungkot isipan, Upang kung manlaming ang pananalig ko ay papag-alabin. Yaong pananalig na ibig ko sanang makitang kumislap Sa dakilang araw ng pangingibabaw ng Isip sa lakas; Kung makalipas na itong kamataya't labanang marahas, Ay may ibang tinig, na lalong masigla at puspos ng galak, Na siyang aawit ng pananangumpay ng matwid, sa lahat. Aking natatanaw na namumula na ang magandang langit, Gaya noong aking bukuin sa hagap ang una kong nais; Aking nadarama ang dati ring hangin sa noong may pawis, Nararamdam ko ang dati ring apoy na nagpapainit Sa tinataglay kong dugong kabataang magulo ang isip. Ang nilalanghap kong mga simoy dito'y nagdaan marahil Sa mga ilugan at sa mga bukid niyong bayan namin; Sa pagbalik nila ay kanila sanang ihatid sa akin Ang buntong-hininga ng minamahal kong malayo sa piling, Pahatid na mula sa pinagsanglaan ng unang paggiliw. Kung aking mamasdan sa abuhing langit ang buwang marilag. Nararamdaman kong ang sugat ng puso'y muling nagnanaknak; Naaalaala ang sumpaan naming kami'y magtatapat, Ang dalampasigan, ang bukid at saka arkong may bulaklak, Ang buntong-hininga, ang pananahimik at ang piping galak. Isang paruparong hanap ay bulaklak at saka liwanag, Malalayong bayan ang lagi nang laman ng kanyang pangarap; Musmos na musmos pa, tahana'y nilisa't ako ay lumayang, Upang maglimayon, na ang diwa'y laya at walang bagabag - - Ganyan ko ginugol ang mga pili kong panahon at oras. At nang mapilitang ako ay bumalik sa dating tahanan, Kagaya ng isang ibong nanghina na sa kapanahunan, May nag bagong sigwang malakas, mabangis na parang halimaw; Ang mga pakpak ko'y nagkabali-bali't tahana'y pumanaw, Ang aking tiwala'y ipinagkanulo't lahat na'y nagunaw. Sa pagkakatapong malayo sa bayang pinakaiibig, Ang hinaharap ko'y madilim na lubha't walang tatangkilik: Pamuli na namang susungaw ang aking mga panaginip, Tanging kayamanan ng kabuhayan kong sagana sa hapis; Mga pananalig niyong kabataang matapat, malinis. Dapwa't kung ikaw ma'y umaasa ngayong iyong makakamtan Yaong gantimpalang hindi magmamaliw magpakailan man, Hindi ka na paris ng dating magilas at buhay na buhay; Sa hapis mong mukha'y may bakas na hindi mapagkakamalan Yaong pananalig na dapat mahalin at ipagsanggalang. At upang aliwin, handog mo sa aki'y mga panaginip, Nagsaang panahon ng kabataan ko'y ipinasisilip; Kaya nga salamat, O sigwang biyaya sa akin ng langit, Alam mo ang oras na takdang pagpigil sa gala kong isip, Upang ibalik mo sa pinanggalingang lupang iniibig. Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin, Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin, Aking nasumpungan ang isang tahanang sagana sa lilim, Aking natuklasan sa katabing gubat na masalimsim Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin. ![]() Sa Mga Bulaklak Ng HeidelbergPumaroon kayo sa mutya kong bayang pinakamamahal, O mga bulaklak na hasik sa landas niyong manlalakbay, At doon, sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw, Sa mga mahal ko'y di nagpapabaya't laging nagbabantay, Inyong ibalita itong pananalig na sa puso'y taglay Ng abang lagalag na di lumilimot sa nilisang bayan. Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa, Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad na, Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon siya, At sa inyong tabi'y inyong namamasid na parang estatuwa, Ang Tagsibol doong hindi nagbabago'y binubulay niya. Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwayway Ang buwis na bango ng inyong talulot pag ngiti ng araw, Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang kasabay Ng "Kung inyo lamang nababatid sana yaring pagmamahal!" Siya'y may bulong ding inaawit-awit sa katahimikan, Kundiman ng puso na sa kanyang wika'y inyong napakinggan. At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik na Ang mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga, At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niya Sa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga, Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligaya Sa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga. At ibalita rin na nang minsang siya'y naglalakad-lakad Sa pampang ng Neckar ay pinupol kayo sa gilid ng landas, Doon sa ang tanod ay ang mga guhong bakas ng lumipas, Na nalililiman ng maraming punong doo'y naggugubat. Ibalita ninyo kung paanong kayo'y marahang pinupol, Pinakaingatang huwag masisira ang sariwang dahon, At sa kanyang aklat ay ipinaloob at doon kinuyom, Aklat ay luma na, datapuwa't kayo'y naroon pa ngayon. Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin, Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw, Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling, Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim; Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin. At pagsapit ninyo sa dalampasigan ng bayan kong irog, Bawa't halik sanang idinarampi ko sa inyong talulot Ay inyong isakay sa pakpak ng hanging doo'y lumilibot, Upang sa lahat nang iginagalang ko't sinisitang lubos Nawa'y makasapit ang halik ng aking pag-ibig na taos. Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay, Subali't ang bango'y wala na marahil at kusang pumanaw, Wala na ang samyong sa talulot ninyo'y iningatang yaman, Pagka't malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng buhay; Iwing halimuyak ang inyong kaluluwa, at di malilisan Ni malilimot pa ang langit na saksi nang kayo'y isilang. ![]() Awit Ng ManlalakbayKagaya ng dahong nalanta, nalagas, Sinisiklut-siklot ng hanging marahas; Abang manlalakbay ay wala nang liyag, Layuin, kalulwa't bayang matatawag. Hinahabul-habol yaong kapalarang Mailap at hindi masunggab-sunggaban; Magandang pag-asa'y kung nanlalabo man, Siya'y patuloy ring patungo kung saan! Sa udyok ng hindi nakikitang lakas, Silanga't Kanlura'y kanyang nililipad, Mga minamahal ay napapangarap, Gayon din ang araw ng pamamanatag. Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw, Siya'y maaaring doon na mamatay, Limot ng daigdig at sariling bayan, Kamtan nawa niya ang kapayapaan! Dami ng sa kanya ay nangaiinggit, Ibong naglalakaby sa buong daigdig, Hindi nila tanto ang laki ng hapis Na sa kanyang puso ay lumiligalig. Kung sa mga tanging minahal sa buhay Siya'y magbalik pa pagdating ng araw, Makikita niya'y mga guho lamang At puntod ng kanyang mga kaibigan. Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik, Sa sariling baya'y wala kang katalik; Bayaang ang puso ng iba'y umawit, Lumaboy kang muli sa buong daigdig. Abang manlalakbay! Bakit babalik pa? Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na; Abang manlalakbay! Limutin ang dusa, Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa. ![]() Dalit Sa PaggawaKORO Maging sa digmaan, MGA LALAKI: Langit sa Silangan ay namumula na, MGA MAYBAHAY: Buong tapang kayong kumilos, gumawa, MGA BATANG BABAE: Mabuhay! Mabuhay Paggawa'y purihin! MGA BATANG LALAKI: Turuan mo kami; halika, Paggawa, ![]() Sa Sanggol Na Si JesusO Diyos na Sanggol, paano ba kaya't Ang sinilangan Mo ay sabsabang aba? Diyata't di pa man ay pag-alipusta Ang dulot ng Palad sa Iyong pagbaba? Kaylungkot! O hari ng Sangkalangitan, Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan, Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal Kundi Pastol namin na kawan Mong mahal? ![]() Huling PaalamPaalam, bayan kong minamahal lupa mong sagana sa sikat ng araw; Edeng paraiso ang dito'y pumanaw at Perlas ng dagat sa may Silanganan. Buong kasiyahang inihahain ko kahiman aba na ang buhay kong ito. maging dakila ma'y alay rin sa iyo kung ito'y dahil sa kaligayahan mo. Ang nakikilabang dumog sa digmaan inihahandog din ang kanilang buhay. kahit kahirapa'y hindi gunamgunam sa kasawian man o pagtatagumpay. Maging bibitaya't, mabangis na sakit o pakikilabang suong ay panganib titiising lahat kung siyang nais ng tahana't bayang aking iniibig. Mamamatay akong sa aking pangmalas silahis ng langit ay nanganganinag ang pisgni ng araw ay muling sisikat sa kabila nitong malamlam na ulap. Kahit aking buhay, aking hinahangad na aking ihandog kapag kailangan sa ikaririlag ng yong pagsilang dugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang Mulang magkaisip at lumaking sukat pinangarap ko sa bait ay maganap; ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyas na nakaliligid sa silangan dagat. Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningning sa mata'y wala nang luhang mapapait wala ka ng poot, wala ng ligalig walang kadungua't munti mang hilahil. Sa aba kong buhay, may banal na nais kagaling'y kamtan nang ito'y masulit ng aking kaluluwang handa nang umalis ligaya'y angkin mo, pagkarikit-dikit. Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas, ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan ng isang buhay na lipos ng kariktan sa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay. Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansin sa gitna ng mga damong masisinsin nipot na bulaklak sa ibabaw ng libing ito'y halikan mo't, itaos sa akin. Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamis pagsintang sa dibdib may tanging angkin hayaang noo ko'y tumanggap ng init pagka't natabunan ng lupang malamig. Hayaang ang buwan sa aki'y magmasid kalat na liwanag, malamlam pa mandin; Hayaang liwayway ihatid sa akin ang banaag niyang dagling nagmamaliw. Hayaang gumibik ang simoy ng hangin hayaan sa himig masayang awitin ng ibong darapo sa kurus ng libing ang payapang buhay ay langit ng aliw. Hayaang ang araw na lubhang maningas gawing parang ulap sa patak ng ulan maging panganorin sa langit umakyat ang mga daing ko'y kasama't kalangkap. Hayaang ang aking madaling pagpanaw iluha ng mga labis na nagmahal kapag may nag-usal sa akin ng dasal ako'y iyo sanang idalangin naman. Ipagdasal mo rin mga kapuspalad, mga nangamatay pati naghihirap mga dusa't sakit ina'y tumatanggap ng tigib ng lungkot at luhang masaklap. Ipagdasal mo rin mga naulila at nangapipiit sakbibi ng diwa; ipagdasal mo rin tubusing talaga ang pagka-aliping laging binabata. Kapag madilim na sa abang libingan at nilalambungan ang gabing mapanglaw walang nakatanod kundi pulos patay huwag gambalain, ang katahimikan. Magbigay-pitagan sa hiwagang lihim at mauulinig wari'y mga tinig ng isang salteryo, ito'y ako na rin inaawitan ka ng aking pag-ibig. Kung nalimutan na yaring aking libing kurus man at bato'y wala na rin mandin bayaang sa bukid lupa'y bungkalin at ito'y isabong sa himpapawirin. Limutin man ako'y di na kailangan aking lilibuting iyong kalawakan at dadalhin ako sa 'yong kaparangan magiging taginting yaring alingawngaw. Ang samyo, tinig at himig na masaya kulay at liwanag may lugod sa mata paulit-ulitin sa tuwi-tuwina ang aking taimtim na nasa't pag-asa.
|
If you have any Rizal related info or poems of his that I don't have or a translation of his poems in another language, e-mail them to: JRcomments@aol.com.